Ayun po mga kaibigan... Jinggay and I had yet again another
Date-day-Saturday moment. At ang question of the night is...
Would you still go out with someone kahit alam mo na wala namang patutunguhan?
Of course, alam ni Jinggay kung sino ang tinutukoy ko... So yun na nga... Ang sabi ni Jinggay, oo pero huwag daw magpapaapekto. Ang hirit ko, "alam mo ba kung gano kahirap yon?!?!" Totoo naman eh... The more you go out with this person, the more you see him and realize na "pwedeeeeee".
Lalo pa kung pareho kayong nangungulila sa pag-ibig, diba? Shempre, babae ka at konting hawak ng kamay, akbay sa balikat at kiliti sa tagiliran, kahit wala lang yon, namamagnify at naeexaggerate ng puso at isipan mo. Yung mga tingin tingin na yan... Nakowww! Yung mga holding hands while crossing the street na naging holding hands while waiting for a table in a restaurant na naging holding hands while sitting down and ordering food. Yung mga goodnight kiss na sobrang brief dahil para kayong nakukuryenta dahil alam niyo na
MALI, MALI, MALI!!!!!!!
Kung alam niyong mali, bakit niyo pa ginagawa?
CORREZ!!! Bakit nga ba? Eh alam ko naman na balikbaliktarin man ang mundo, hindi pwede, hindi pwede, HINDI PWEDE!!!!!!!! It will never work out. Bakit ka ako nagsasayang ng panahon para makasama siya? Na dumaan sa bahay nila para magdala ng banana que? Na ibigay ang mga mabababaw niyang luho? Bakit mo pa ginagawa lahat nang yan eh alam mo namang walang patutunguhan?
The answer is simple. Because what if
does work out? And let's face it, ang sarap din naman kasi ng may nahihila ka kapag feel mo manood ng movie at mag-dinner out at ng may kakwentuhan. Nakakatawa din siyang tignan kapag hinihila ka niya with his left hand at hawak-hawak ang iyong bag with his right dahil pagod ka na maglakad at nababagalan na siya sayo. Nakakaaliw din kung tatanungin mo siya kung bagay ba ang sapatos na sinusukat mo. At lalong nakakataba ng puso kapag may pinapakita ka sa kanya sa mall isang cute at walang kwentang bagay at sasabihin niya with matching kunot ng noo, "ano ba yan, gaye!" tapos ikaw naman, sad at feeling rejected dahil napahiya ka dahil pumili ka ng isang napaka-walang kwentang bagay sa paningin niya, tapos makita-kita mo hawak-hawak na niya yung bagay na yon, binili na pala niya.
Haaaaaaaaaaaaaaaaay...
Hindi nga naman natin alam kasi. Pano nga naman kung mag-work out pala? Hindi naman tayo Diyos para malaman kung ano ang mangyayari sa future. Pero ngayon... Hindi ko parin talaga alam.
Sigurado ka ba na ikaw ang meantime girl niya o siya ang meantime boy mo? Achuuuuuu... =) Time to reevaluate your life, hunnie.
--Randz