Kung noon pa sinabi ko na, eh di sana kasama na kita...
Kung noon pa sinabi ko na, eh di sana tayo na talaga...
Ngayon, gusto kita, pwede pa ba?
Di na siguro kasi sabi mo, "noon pa sana."
Nagsimula ang lahat sa isang walang kwentang quote. Na, as
fatter of mact, di ko dapat isesend sa kanya. Dapat isesend ko yon kay Jinggay, nadaanan ko ang pangalan niya so ayun, bigla ko lang siya naisip. Sinend ko ang mensaheng yan ng mga ala-una ng madaling araw. At wala akong nakuhang reply...
Kinabukasan, nagka-receive ako ng isang mensahe pagka-gising na pagka-gising ko "sino nagsabi sayo na sasabihin ko sayo na noon pa sana?" Huwaaaaaaaaaaaaaaaat?! Naloka ako!!! Hindi lang dahil sa matagal ko nang crush at kakilala itong taong to, kundi...
Eh kasi ganito yun, dati ko pa kakilala tong taong to. At crush ko na siya, I admit. Heroh!!! Kaya lang, mga bata pa kami eh, ganun talaga... Walang nangyari. Ahehehehe! Tapos, nagkita kami nung mga second year ako lagi kaming lumalabas and all that, tapos parang wala lang. Wala namang relasyong nabuo. Nung mga nakaraang taon, di na kami nagusap. Busy rin siya sa kanyang girlfriend, at ako naman busy with the Devil. So ayun... Hindi naman masama ang aming paghihiwalay noon, well di nga kasi wala namang pagsasamang kailangang hiwalayin diba? Ahehehehehe...
Anyways, ayun na nga. The whole day nung Saturday magka-text kami. At nung gabi, nagpunta siya sa bahay para chumika. Ang saya saya. Tawa lang kami ng tawa. Nung una parang ilang pa. Alam mo yun, yung kaba at
butterflies ika nga. It's like we picked up from where we left off. Ang gaan gaan ng feeling.
Walang pretensions. Di kailangang magpanggap na iba kang tao. Ako ay ako at siya ay siya. Pero correction hindi yung sobrang komportable na para na kaming mag-bestfriend or worse,
magkapatid. Yung kompotable na kinakabahan parin kapag nararamdaman ko yung hininga niya sa tenga o leeg ko kapag nakatayo siya sa likod ko, yung komportable kayong aminin sa isat-isa na wala kayong perang pangkain sa Chili's Greenhills, yung komportable kayong magsabihan ng mga walang kwentang jokes.
Katulad ng sinabi ko dati,
simple, masaya at walang komplikasyon. Kung baga, siya at ako lang. And that's what I've always wanted. Sinabi ko nga sa aking friend na si Hundun, hindi ba sobra sobra na ang paghihirap natin na kahit one time lang, maging masaya naman tayo? Eto na kaya ang pinakaaabangan ko?
Haaaaaaaaaaaaaaaay... I don't want to think ahead. Baka maudlot. Pero sobrang daming nangyari within the last few days na sobrang haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay... Like I always tell Jerome,
"can't eat... can't sleep... reach for the stars... over the fence... world series kind of thing..."
Lord, kung siya na please let everything fall into place. Pero kung hindi siya, eh Lord, pwede ba siya nalang?
"Lord, kung siya na please let everything fall into place. Pero kung hindi siya, eh Lord, pwede ba siya nalang?"
pwede bang mahiram yang dasal na yaN?
darating din yung nag iisang tao na magbabago ng ating mga buhay buhay. darating din yung taong magpapakalimot sa lahat ng sakit ng naranasan natin. darating din yung taong para sa atin..and pag nahanap na nila tayo...all the pain and tears will be worth it...so ngayon sabay muna tayong tumingin sa langit at mag abang ng falling star or kulitin si Lord...HELLEERRR!!! pwede kme naman?!?!?! -hundun
Hundun, korek!!! Sana naman Lord, one time lang. Ahehehehe... =)