Ewna ko ba kung bakit, pero parang gusto ko nang i-labas ang lahat lahat ngayon, tutal tapos na naman... Haaaaay... If you've been reading my blog religously, like my cousin in the states na itago nalang natin sa pangalang
Paraluman, you may have questions about the recurring phrases or statements in my blog na walang sense sa inyo, pero super may sense sa lola mo...
Well, ang ieexplain ko sa inyo ngayon ay yung phrase na "it's empty."
One time kasi, dumaan ako sa workstation niya naghahanap ako ng prong. Hellooooo... Medyo obvious siguro kasi ang layo ng workstation niya sa amin dahil hindi nga siya normal na nilalang. Eh late na ang lola mo at hindi pa ako nakakapag-setup ng tools kaya mega in a rush na talaga lahat. So nung lumapit ako sa kanya, sabi ko, "do you have an extra prong that you're not using?" English only policy, I'm sorry! Sabi niya, "Uh, wait," the he pulled out a box from underneath his table, "meron ata dito sa box na to eh..." Eh medyo mahirap buksan yung box na tupperwear at nahihiya naman talaga ako sa hassle so sabi ko, "no it's ok. Hanap nalang ako sa iba, thanks!" So eh di ayun... tumakbo na ulit ako pabalik sa area namin. Tapos narinig ko may tumatakbo din sa likod ko so lumingon ako, tapos dala dala niya yung box ng prong that I'm guessing kinuha niya sa loob nung box na tupperwear. He shook the box and told me, "
It's empty." Then gave me an apologetic smile...
Haaaaaaaaaaaaaaay... Bakit naman kasi kailangan pang maging sobrang bait na tatakbo pa sha after me para lang sabihin na walang laman yung box ng prong eh... Bakit?! Bakit?! O, bakit?! Ayun lang po... Gusto ko lang ipamahagi. Bow.