Bakit ba ganito? Hindi ko na maintindihan sarili ko. Hindi naman ako dati ganito ah. Bakit ba masyado akong naapektohan sa lahat ng mga ginagawa mo, samantalang dati wala naman akong pakialam. Kung galit ka, tinatawanan pa kita, I wave my hand and dismiss the conversation. Pero ngayon, alam ko na galit ka at hindi ako makatulog, hindi ako makakain, hindi ako makahinga. Putangina mo! Anong ginawa mo sa puso ko?!